Hardcore na trip ang ginawa namin kagabi..
From left to right: Ate Giff, Kuya Apolo, Ako, at si Kuya Jopy
Di alintana ang pagod dahil sa buong araw ng paglalakad at pagbiyahe para mag-sampling ng tubig ng sapa, pagsukat ng lalim at lapad nito't pati na rin ang bilis ng kuryente ng tubig (para sa water quality monitoring ng five major rivers ng Sarangani bay), hala! Sige parin ang lakwatsa!
Kasama ang ilang kaibigan - apat lang kami: ako, si Kuya Jopy (Marine Biologist ng Provincial Envronment and Natural Resources Office), si Kuya Apolo (Local Legislative Staff ng Sangguniang Kabataan), at si Ate Giff (Senior Environmental Management Specialist ng Environmental Conservation and Protection Center kung saan nagtatrabaho din ako bilang isang Marine Biologist/Researcher), nirentahan namin ang isang kwarto sa MusicBox para lang mag-videoke hanggang alas dose ng umaga..ikalawang beses ko nang nagkalat at nagpasabog ng malagim kong boses dun sa kwartong yun..
No comments:
Post a Comment